[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Arkitekto

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Architect)
Isang arkitekto na nagtratrabaho noong 1893.

Ang arkitekto ay isang tao na nagplaplano, nagdidisenyo, at nangangasiwa ng pagtayo ng mga gusali. Ang pag-aaral ng arkitektura ay nangangahulugan ng pagbigay serbisyo sa pagdisenyo at pagtayo ng mga gusali at ang mga espasyo na nakapalibot dito, kung saan ang pangunahing layunin ay para sa tao. Ang "arkitekto" ay galing sa salitang Latin na "architectus" na nanggaling naman sa salitang Griyego na archi-, pinuno + tekton, manggagawa.

Ang desisyon ng arkitekto ay nakakaapekto sa kaligtasan ng publiko, kaya't ang arkitekto ay dapat sumailalim sa espesyal na pagsasanay na mayroong mataas na edukasyon at praktikum para sa praktikal na karanasan upang makakuha ng lisensya sa pagensayo ng arkitektura. Ang mga praktikal, teknikal, at pang-akademiyang pangangailangan para maging arkitekto ay nagiiba sa bawat hurisdiksyon.

Ang salitang "arkitekto" at "arkitektura" ay ginagamit din sa arkitekturang pang-dagat, arkitekturang pang-tanawin at teknolohiyang pang-impormasyon. Ang propesyonal at komersyal na paggamit ng mga terminong "arkitekto" at "arkitekturang-pangtanawin" ay naproprotektahan ng batas.