Alfonso, Kabite
Alfonso Bayan ng Alfonso | |
---|---|
Mapa ng Cavite na nagpapakita ng lokasyon ng Alfonso. | |
Mga koordinado: 14°08′16″N 120°51′19″E / 14.137894°N 120.855178°E | |
Bansa | Pilipinas |
Rehiyon | Calabarzon (Rehiyong IV-A) |
Lalawigan | Kabite |
Distrito | Pangpitong Distrito ng Cavite |
Mga barangay | 32 (alamin) |
Pagkatatag | 1870 |
Pamahalaan | |
• Punong-bayan | Randy A. Salamat |
• Manghalalal | 36,518 botante (2022) |
Lawak | |
• Kabuuan | 66.58 km2 (25.71 milya kuwadrado) |
Populasyon (Senso ng 2020) | |
• Kabuuan | 59,306 |
• Kapal | 890/km2 (2,300/milya kuwadrado) |
• Kabahayan | 14,556 |
Ekonomiya | |
• Kaurian ng kita | ika-1 klase ng kita ng bayan |
• Antas ng kahirapan | 13.22% (2021)[2] |
• Kita | ₱338,699,664.14 (2022) |
• Aset | ₱660,123,261.90 (2022) |
• Pananagutan | ₱229,159,261.90 (2022) |
• Paggasta | ₱259,198,437.51 (2022) |
Kodigong Pangsulat | 4123 |
PSGC | 042101000 |
Kodigong pantawag | 46 |
Uri ng klima | Tropikal na monsoon na klima |
Mga wika | wikang Tagalog |
Websayt | alfonso.gov.ph |
Ang Bayan ng Alfonso ay isang Ika-3 klaseng bayan sa lalawigan ng Cavite sa Pilipinas. Ayon sa senso ng 2020, ito ay may populasyon na 59,306 sa may 14,556 na kabahayan. Mayroon ito ng 72.60 kilometro kwadradong sukat ng lupa.
Ang pananampalatayang katoliko kristiyano ay lumago at umunlad sa pagdaan ng mahabang panahon sa pagkakaroon ng sariling parokya na hiwalay sa bayan ng Indang noong taong 1861. Taong 1861 napasimulan ang Parokya ni San Juan Nepomuceno sa bayan ng Alfonso, Cavite. Ang parokya ni San Juan Nepomuceno sa bayan ng Alfonso ang may pinakamagandang patyo sa buong lalawigan ng Cavite at siya ding may pinamagandang tunog ang kampana. Noong taong 1997, nagkaroon ng pangalawang parokya sa Kaytitinga, Alfonso, Cavite. Ang bagong parokya ay binubuo ng barangay Kaytitinga I, II, III, Sta. Theresa, Sinaliw Malaki, Sinaliw Munti, Bilog, Buck Estate, Kaysuyo, Amuyong, Palumlum at Upli. Ang kasalukuyang Paring tagapamahala sa bagong parokya ay si Reb. Padre Lino N. de Castro.
Heograpiya
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isang mataas na bayan ang Alfonso, na matatagpuan sa timog-kanlurang bahagi ng lalawigan ng Cavite. May layo itong 74 kilometro mula sa Maynila. Naghahanggan ang bayan ng Alfonso sa bayan ng Magallanes sa kanluran, sa lalawigan ng Batangas sa timog, sa bayan ng Mendez at lungsod ng Tagaytay sa silangan, sa Heneral Aguinaldo sa hilagang kanluran at sa bayan ng Indang sa hilagang silangan.
Mga Barangay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang Alfonso ay nahahati sa 32 mga barangay.
|
|
|
Demograpiko
[baguhin | baguhin ang wikitext]Taon | Pop. | ±% p.a. |
---|---|---|
1903 | 5,780 | — |
1918 | 7,580 | +1.82% |
1939 | 9,797 | +1.23% |
1948 | 11,714 | +2.01% |
1960 | 17,477 | +3.39% |
1970 | 17,703 | +0.13% |
1975 | 20,623 | +3.11% |
1980 | 21,980 | +1.28% |
1990 | 28,944 | +2.79% |
1995 | 34,613 | +3.41% |
2000 | 39,674 | +2.97% |
2007 | 47,973 | +2.65% |
2010 | 48,567 | +0.45% |
2015 | 51,839 | +1.25% |
2020 | 59,306 | +2.68% |
Sanggunian: PSA[3][4][5][6] |
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑
"Province: Cavite". PSGC Interactive. Quezon City, Philippines: Philippine Statistics Authority. Nakuha noong 12 Nobyembre 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "PSA Releases the 2021 City and Municipal Level Poverty Estimates". Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas. 2 Abril 2024. Nakuha noong 28 Abril 2024.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population (2015). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. PSA. Nakuha noong 20 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Census of Population and Housing (2010). "Region IV-A (Calabarzon)". Total Population by Province, City, Municipality and Barangay. NSO. Nakuha noong 29 Hunyo 2016.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Censuses of Population (1903–2007). "Region IV-A (Calabarzon)". Table 1. Population Enumerated in Various Censuses by Province/Highly Urbanized City: 1903 to 2007. NSO.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: url-status (link) - ↑
"Province of Cavite". Municipality Population Data. Local Water Utilities Administration Research Division. Nakuha noong Disyembre 17, 2016.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga Kawing Panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Philippine Standard Geographic Code Naka-arkibo 2012-04-13 sa Wayback Machine.
- 2010 Philippine Census Information Naka-arkibo 2012-06-25 sa Wayback Machine.