[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Agrigento

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Agrigento

Girgenti / Giurgenti (Sicilian)
Comune di Agrigento
Agrigento na tanaw mula sa Lambak ng mga Templo.
Agrigento na tanaw mula sa Lambak ng mga Templo.
Bansag: 
Signat Agrigentum mirabilis aula gigantum
Lokasyon ng Agrigento
Map
t
t
Agrigento
Lokasyon ng Agrigento sa Italya
t
t
Agrigento
Agrigento (Sicily)
Mga koordinado: 37°19′N 13°35′E / 37.317°N 13.583°E / 37.317; 13.583
BansaItalya
RehiyonSicilia
LalawiganAgrigento (AG)
Mga frazioneFontanelle, Giardina Gallotti, Monserrato, Montaperto, San Leone, Villaggio La Loggia, Villaggio Mosè, Villaggio Peruzzo, Villaseta
Pamahalaan
 • MayorFrancesco Miccichè (Civic)
Lawak
 • Kabuuan245.32 km2 (94.72 milya kuwadrado)
Taas
230 m (750 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan59,329
 • Kapal240/km2 (630/milya kuwadrado)
mga demonymAgrigentino
Girgentino
English: Agrigentines
Girgintans
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
92100
Kodigo sa pagpihit0922
Santong PatronSan Gerlando
Saint dayPebrero 25
WebsaytOpisyal na website

Ang Agrigento (Italyano: [aɡriˈdʒɛnto]; Siciliano: Girgenti [dʒɪɾˈdʒɛndɪ] o Giurgenti [dʒʊɾˈdʒɛndɪ]; Sinaunang Griyego: Ἀκράγας; Latin: Agrigentum o Acragas; Arabe: Kirkent‎ o Jirjent) ay isang lungsod sa katimugang baybayin ng Sicilia, Italya at kabesera ng Malayang Konsorsiyong Komunal ng Agrigento. Ito ay isa sa mga nangungunang lungsod ng Magna Graecia sa panahon ng ginintuang panahon ng Sinaunang Gresya na may mga pagtatantiya ng populasyon mula 200,000 hanggang 800,000 bago ang 406 BK.[3][4][5][6][7]

Ang Agrigento ay itinatag sa isang talampas na tinatanaw ang dagat, na may dalawang kalapit na ilog, ang Hypsas at ang Akragas, at isang dalisdis sa hilaga na nagpapahintulot ng isang mataas ng likas na kuta. Ang pagtatatag nito ay nangyari noong 582-580 BK at iniugnay sa mga kolonyalistang Griyego mula sa Gela, na pinangalanan itong "Akragas".

Maraming iba pang pook Eleniko at Romano ang matatagpuan sa loob at paligid ng bayan. Kabilang dito ang isang pre-Elenikong santuwaryong yungib malapit sa isang Templo ni Demeter, kung saan itinayo ang Simbahan ng San Biagio. Ang isang huling Elenistikong monumentong puntod na maling nilagyan ng label na "Libingan ni Theron" ay matatagpuan sa labas lamang ng sagradong lugar, at isang 1st-century AD heroon (dambana ng bayani) na katabi ng ika-14 siglong Simbahan ng San Nicola na may maikling distansya sa hilaga. Ang isang malaking Grekoromanong lugar na lungsod ay nahukay din, at ilang mga klasikal na nekropolis at silyaran ay nananatili pa rin.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Hooke, N. (1818). The Roman history, from the building of Rome to the ruin of the commonwealth... New ed. Printed for F.C. and J. Rivington. p. 17. Nakuha noong 2014-10-10.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Lemprière, J. (1842). A Classical Dictionary: Containing a Full Account of All the Proper Names Mentioned in Ancient Authors, with Tables of Coins, Weights, and Measures, in Use Among the Greeks and Romans. To which is Now Prefixed, a Chronological Table. T. Allman. p. 26. Nakuha noong 2014-10-10.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Royal Institution of Great Britain (1828). Quarterly Journal of Science, Literature, and the Arts. James Eastburn. p. 98. Nakuha noong 2014-10-10.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Maynard, J. (2005). The Light of Alexandria. Lulu Enterprises Incorporated. p. 35. ISBN 9781411653351. Nakuha noong 2014-10-10.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Rollin, C.; Bell, J. (1870). The ancient history of the Egyptians, Carthaginians, Assyrians, Babylonians, Medes and Persians, Grecians and Macedonians: including a history of the arts and sciences of the ancients. Harper & Brothers. p. 286. Nakuha noong 2014-10-10.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)