[go: up one dir, main page]
More Web Proxy on the site http://driver.im/Pumunta sa nilalaman

Andap

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Lumang andap o malambot na rima sa isang araw ng taglamigsa Lower Saxony, Alemanya

Ang andáp, o nagyelong hamóg ay ang coating o deposito ng yelo na maaaring mabuo sa mahalumigmig na hangin sa mga malamig na kondisyon, kadalasan sa gabí. Sa mga katamtamang klima, kadalasan itong nasa anyo ng mga marurupok na puting kristal o nagyelong patak ng hamog malápit sa lupa, pero sa mga malalamig na klima mayroon itong iba't ibang anyo. Ang andap ay binubuo ng mga pinong sanga-sangang disenyo ng mga yelong kristal na nabuo bílang resulta ng fractal process development.

Ang andap ay kilalá rin sa paninira ng mga pananim o nakakabawas ng ani, kung kayâ ang mga magsasaká sa mga rehiyon kung saan ang andap ay isang problema ay kadalasang sumusubok na pigilan ang pormasyon nitó.

Ang andap ay nabubuo kapag ang temperatura ng isang solidong rabaw ay lumalamig nang mas mababa pa sa freezing point ng tubig.